3.

Ulap na parang Kabute

Ang bomba atomika ay inihulog mula sa 10,000 metro sa ibabaw ng Matsuyama-machi. Sumabog ito 500 metro ang taas mula sa lupa.Sa sandaling iyon, nagkaroon ng higanteng bola ng apoy o fireball. Ito ay may diyametro na 200 at 80 metro at 6000 hanggang 7000 degrees Centigrade na init. Naglabas din ito ng napakalakas na hangin, heat wave at radiation. Nagkaroon ng malaking ulap na mistulang higanteng kabute.

Dumilim ang kapaligiran. Ito ay dahil nakakubli ang buong paligid sa makapal na itim na ulap. Sa sandaling pagsabog, ang lahat ng masusunog ay nasunog: mga tao, Hapon man o dayuhan, kabayo, aso, pusa, ibon, insekto, bulaklak, damo o punong kahoy man. Lahat ng maaaring masunog ay nasunog. Napaka-init nito, at makikita kung gaano katindi ang init nito sa mga tisa ng bubong na bumula dahil ito’y kumulo at natunaw, o kaya sa mga batong umitim dahil sa pagkasunog.