“Ang lusong ni Puti kong mahal ay nagmistulang abo!”ang malungkot na saad ng matapat na lolo. Inipon nya ang abo at ito’y kanyang sinabog sa libingan ni Puti. Sa kanyang pagsasabog, nagsibulan ang mga bulaklak sa paligid. Pumanik ng puno ang matapat na lolo. “Mamulaklak, mamulaklak! Sige, mamulaklak kayong mga usbong ng tuyot na sanga ng puno!” saad niya habang sinasabog ang mga abo.Namulaklak ang mga usbong ng Seresa at Melokotan.Habang nangyayari yuon, ang hari ay napadaan. “Ito ay napakahusay!” puri ng hari sa matapat na lolo.Dahil sa kahusayang ginawa ng matapat na lolo, siya ay binigyan ng gantimpala ng hari.