8.

Ang Nino Torii (o Pangalawang Torii) at Ang Malaking Puno ng Alkampor

Nasa walong daang metro o 800 meters mula sa ground-zero ang Torii Gate. Ang haligi nito na mas malapit sa ground-zero ay natumba sa sobrang lakas ng hangin dahil sa pagsabog, habang ang isang haligi ay naiwang nakatayo. Dahil sa lakas ng presyon ng hangin, ang mabigat na bato sa dakong itaas ng gate ay gumalaw nang 5 centimetro. Ang mga pangalan na nakasulat dati sa haligi ng Torii ay hindi na nababasa dahil ang mga ito ay nasunog, o bahagyang natunaw.

Ang dalawang puno ng alkampor na nakatayo sa entrada ng Sanno Shrine ay mahigit na 500 taong gulang na. Ito ay mahigit sa 20 metro ang taas, at 5 hanggang 8 metro ang sirkumperensiya. Natanggal ang mga sanga at dahon nito dahil sa A-bomb. Ang nasunog na puno ay nahiwa sa gitna, kaya mukhang mahirap na itong mabuhay na muli. Ngunit pagdating ng Oktubre, nagkaroon ito ng bagong sibol kaya nabigyan ng pag-asa at kalakasan ng loob ang mga taong magpatuloy sa kanilang pamumuhay, at mag-ayos muli o restore ng kanilang lugar.